Sugatan ang apat na katao matapos ang isang pagsabog sa Tayuman Street kanto ng Dagupan Street sa Manila nitong Linggo ng hapon, Agosto 3.
Ayon sa Manila Police District’s Explosive Ordnance Division (MPD-EOD), isang dismantled na air-conditioning compressor ang natagpuan sa lugar na pinaniniwalaang nagdulot ng pagsabog.
Agad namang isinugod sa mga ospital ang mga biktima ng mga emergency responders mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at lokal na rescue units.
Dalawa sa mga biktima ay dinala sa Tondo General Hospital, habang ang isa pa ay dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
Hindi pa inilalabas ang mga pangalan at kalagayan ng mga biktima.
Samantala na-secure na ang lugar habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, at pinapayuhan ang publiko na iwasan ang nasabing lugar.