-- Advertisements --
Nabigo si Pinay tennis star Alex Eala at Iva Jovic ng US sa doubles ng WTA 250 ASB Classic sa Auckland, New Zealand.
Hindi nakaporma ang dalawa sa pares na sina Yifan Xu at Zhaoxuan Yang ng China sa score na 5-7, 3-6.
Nagkumahog sina Eala at Jovic para makuha ang momentum subalit naka-recover mula sa two-game deficit ang mga Chinese players.
Pagpasok ng second set ay nakalamang sina Eala 3-2 subalit sadyang naging malakas ang Chinese players at nakabangon muli sila.
Dahil dito ay pasok na sa finals ang Chinese duo na makakaharap sina Hanyu Guo ng China at Kristina Mladenovic ng France.














