-- Advertisements --
Nagsagawa din umano ang China ng routine patrols kasabay ng sanib-pwersang pagpapatroliya ng Indian at Philippine Navies sa West Philippine Sea.
Sa isang statement, sinabi ni Southern Theater Command Senior Col. Tian Junli na nananatiling nakataas ang alerto ng Chinese military.
Kinondena din nito ang joint patrol ng Pilipinas at India na nakakasira umano sa kaayusan at katatagan sa rehiyon.
Nauna na ngang napaulat na namataan din ang dalawang barkong pandigma ng People’s Liberation Army Navy (PLA-N) sa kasagsagan ng joint patrols ng PH at India.
Bagamat ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi nanghimasok ang mga barko ng China sa maritime cooperation activity ng PH at India at matagumpay na nagtapos nitong Lunes, Agosto 4.