Tiniyak umano ng Saudi Arabia Ministry of Health na walang diskriminasyon ginagawa o gagawin sa mga overseas Filipinos (OFWs) na nagkakasakit ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ginawa ni Philippine Ambbassador to Kingdom of Saudi Arabia Adnan Alonto ang pahayag sa gitna ng mga reklamong pinabayaan lamang at hindi inaasikaso ang mga OFWs na tinatamaan ng COVID-19.

Sinabi ni Amb. Alonto, “overwhelmed” lamang umano ang Saudi government dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 cases sa kanilang bansa na pumapalo na sa mahigit 100,000.

Ayon kay Amb. Alonto, nakausap na nito ang isang mataas na opisyal sa KSA at tiniyak na walang diskriminasyon sa mga Filipino patients.

Maliban sa binuong team ng embahada, POLO at OWWA, may binuo ring unit ang Ministry oif Health para tutugon at rumesponde sa mga nasabing report at gagamot sa mga OFWs na nagkakasakit.