Kinumpirma ng Office of Civil Defense na itaas na ang heightened alert sa lahat ng regional offices ng ahensya sa bansa bilang paghahanda sa nalalapit na halalan ngayong taon.
Sa isang pahayag, binigyang diin ni OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang mandato ng kanilang ahensya na tiyaking magiging mapayapa at ligtas ang eleksyon ngayon taon.
Aniya ang kanilang paghahanda at mga isinasagawang koordinasyon ay mahalaga sa pagprotekta ng buhay, pagpapanatili ng kapayapaan at pagpapanatili ng tiwala ng publiko sa proseso ng halalan.
Kaugnay nito ay pinalawak naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang kanilang blue alert status na sisimulan sa Mayo 9 hanggang 14.
Layon ng hakbang na ito ay layong masubaybayan ng ahensya ang mga mahahalagang development at mas mabilis na pagresponde sa mga panahon ng emergency.
Mananatili naman ang ilang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, BFP, PCG, PNP sa NDRRMC Operation Center.