Binigyang-diin ni Cabinet Sec. Karlo Nograles na ang nakuhang record-high performance rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey ay patunay umanong gumanda ang buhay ng mga Pilipino sa unang tatlong taon ng Duterte administration.

Sa ikalawang Pre-State of the Nation Address (SONA) forum sa Cebu City, sinabi ni Sec. Nograles na positibo ang mga numero at nakakaengganyo para magpursige pa sa kanilang trabaho.

Ayon kay Sec. Nograles, dapat lahat ng mga manggagawa sa gobyerno ay magpatuloy at mag-ambag sa mga nakamit sa first half ng administrasyon para makamit ang pangako ni Pangulong Duterte na “malasakit” at “tunay na pagbabago.”

Isasagawa ang ikatlong pre-SONA forum ng gabinete sa Davao City sa susunod na linggo.

“The numbers support this unassailable truth: the lives of our people have improved in the first three years under President Duterte,” ani Sec. Nograles.

-- Advertisement --