-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 34,021 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito na ang record breaking na bilang mula ng magsimula ang pandemya sa bansa.

Ang pagdami pa ng mga nahahawa ay sa gitna ng pananalasa ng Omicron variant ng COVID-19.

Samantala mayroon namang naitalang 4,694 na gumaling at 82 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.7% o 237,387 ang aktibong kaso.

Ang naturang bilang din ng mga pasyente ay ang pinakamarami mula noong 2020.

Sa kabila nito nasa 90.6% (2,802,286) na ang gumaling, at 1.71% naman o katumbas ng 52,736 ang mga namatay.

Sa kkabuuan ang mga tinamaan ng virus sa bansa ay umabot na sa 3,092,409.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 11, 2022 habang mayroong pitong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng pitong labs na ito ay humigit kumulang 5.0% sa lahat ng samples na naitest at 6.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

“Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19,” bahagi pa rin ng abiso ng DOH.