Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang pagpasa ng batas na papayagan ang National Food Authority (NFA) na direktang bumili ng mga palay at mais mula sa lokal na magsasaka at kooperatiba.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na ang proposal ay ang pagbabalok sa tradisyonal na procurement powers na ginagawa bago pa ang Rice Tarrification Law.
Dagdag pa ng Kalihim na ang nasabing panukala ay bahagi ng inamendahan na Rice Tarffication Law sa ilalim ng Rice Industry Competitive Enhancement Act na inihain ni House Speaker Martin Romualdez.
Paliwanag pa nito na ang mais ay hindi lamang substitute sa bigas sa Visayas at Mindanao at sa halip ay isa itong tumutulong sa feeds na kinakain sa mga poultry at livestocks sectors.