-- Advertisements --

Papahintulutan ng Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte na i-realign ang humigit kumulang P275 billion mula sa pambansang pondo para ma-sustain ang ginagawang hakbang ng pamahalaan sa COVID-19 crisis.

Ayon kay Salceda, nasa P144 billion ng naturang halaga ay ilalaan para sa 17.9 million pamilyang Pilipino, na tatanggap ng P8,000 financial assistance bawat isa.

Hindi naman sakop aniya rito ang mga mayayamang pamilya, gayundin ang mga may trabaho na hindi naman apektado ng umiiral na enhanced community quarantine.

Bukas, Marso 23, nakatakdang magdaos ng isang special session ang Kongreso para maipasa ang panukalang magpapahintulot kay Pangulong Duterte sa pag-realign ng pondo.