-- Advertisements --

Pormal nang isinalang sa plenaryo ng Kamara ang Resolution of Both Houses No. 7 na naglalayong amyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Pinangunahan ng mga lider ng Kamara ang sponsorship, na sina House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., at House Committee on Constitutional Amendments chair Rufus Rodriguez.

Ayon kay Majority leader at Zamboanga Representative Mannix Dalipe maituturing itong makasaysayan ang pagsisimula ng debate sa RBH No.7.

Matapos na isalang sa Committee of the Whole sa loob ng higit isang linggo, o aabot sa anim na araw ang deliberasyon.

Ayon kay Dalipe muling pagdebatihan naman ang RBH no. 7 sa plenaryo at ipapasa sa ikalawang pagbasa ngayong linggo.

Sinabi ni Dalipe, ang RBH no. 7 ng Kamara ay nakatutok lamang sa “key areas” gaya ng public utilities, edukasyon, at advertising na layong paunlarin ang bansa para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

Ayon naman kay Gonzales, sa paglalagay ng “unless otherwise provided by law” mai-aadjust ng mga mambabatas ang mga restriksyon sa “foreign ownership” at makapagsusulong ng “flexibility” sa policy making.

Dagdag pa ni Gonzales, ang misyon nila ngayon ay bigyan ang mga Pilipino ng pangmatagalang progreso, na magpapabuti sa kalidad ng kanilang buhay.

Apela naman ni Gonzales sa Senado, wala nang ibang magandang panahon para amyendahan ang Saligang Batas kundi ngayon, huwag sanang biguin ang mga Pinoy, at magtulong-tulong ang lahat patungo sa isang Bagong Pilipinas.