Bumida si Pascal Siakam sa panalo ng Toronto Raptors laban sa Detroit Pistons 125-113.

Nagtala ito ng 30 points si Siakam kung saan ito na ang pangatlong beses na nagtala ng ganitong puntos si Siakam sa tatlong laro ng koponan.

Nag-ambag naman ng 20 points, walong assists si Kyle Lowry at tig-19 points sina Norman Powell at Serge Ibaka.

Mula sa unang quarter ay hawak na ng Raptors ang kalamangan kung saan umabot pa sa 16 points.