MILWAUKEE – Nasilat ng Toronto Raptors ang Milwaukee Bucks sa pamamagitan ng come-from-behind win at itala ang 4-2 win sa first round ng NBA playoffs.

Mula kasi sa 25 points na kalamangan ng Bucks, nagawa itong mahabol ng Raptors at tinalo sa Game 6 sa score na 92-89.

Dahil dito pasok na sa second round ang Raptors at haharapin sa Game 1 sa Martes ang NBA defending champion na  Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference semifinals series.

Nanguna sa opensa ng Raptors si DeMar DeRozan na umiskor ng 32 points habang si Cory Joseph ay umeksena sa kanyang limang puntos sa 9-0 run sa final 2 minutes upang harangin ang pagpipilit ng Milwaukee na maibalik ang renda ng laro.

Aminado ang Raptors coach na si Dwane Casey na nag-collapse ang kanyang mga bata pero buti na lamang ay nakahanap ng paraan.

Tumulong din sa kampanya ng Raptors si Khris Middleton na may 19 points.

Samantalang nasayang ang 34 points na diskarte ni Giannis Antetokounmpo na nanguna sa second-half rally para sa Milwaukee.