Reading Time: 1 minute
GIANNIS KAWHI

Ibinaon ng Toronto Raptors ang Milwaukee Bucks upang pantayin sa tigdalawang panalo ang kanilang serye sa nagpapatuloy na Eastern Conference finals, 120-102.

Humataw ng 25 points si Kyle Lowry, na dinagdagan ng 19 points ni Kawhi Leonard upang pamunuan ang Raptors, na mayroon nang 7-2 win-loss record ngayong postseason sa home.

Hawak ang 94-81 lead pagpasok ng fourth, napalawig pa nang husto ng Raptos ang kanilang abante sa pamamagitan ng 10-3 bomba, tampok ang pitong puntos mula kay Fred VanVleet.

Hindi naman nagbunga ang double-double na 25 points at 10 rebounds ni Giannis Antetokounmpo, maging ang 30 points ni Khris Middleton para sa top-seeded na Bucks.

Dahil dito, tinanggap ng Milwaukee ang kanilang ikalawang sunod na pagkatalo kasunod ng naitala nilang six-game winning streak.

Babalik naman sa Milwaukee ang Game 5 sa araw ng Biyernes.