-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Toronto Raptors ang kontrata ng kanilang head coach na si Nick Nurse.

Hindi na binanggit pa ng koponan kung magkano ang pinirmahang multi-million deal.

Nakuha nito ang 2019-2020 NBA coach of the Year na siyang nagdala sa Raptors para makuha ang kampeonato.

Sinabi ni Raptors president Masai Ujiri na malaki ang tiwala nila kay Nick at naging maganda ang kanilang karanasan.

Bagamat tinalo sila ng Boston Celtics sa Eastern Conference Semi-finals ay dinala niya ang koponan sa 53 panalo at 19 talo na record.