Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY – Napasakamay na ng mga otoridad ang rape suspek na aabot na sa sampong taon o isang dekadang nagtatago sa batas.

Nitong Huwebes ng matagumpay na naisilbi ang warrant of arrest laban sa suspek na nakilalang si Socrates Bongcales alyas Dodong.

Nahuli ang suspek ng mismo ang kaanak ng mga biktima ang nakakita nito sa bahagi ng Zone 6 Brgy. Sugbongcogon, Tagoloan Misamis Oriental.

Base sa inisyung warrant ng Regional Trial Court ng Malaybalay City Bukidnon, sinampahan ng kasong attempted rape ang suspek at nasa 120,000 ang halaga ng kanyang piyansa.