LAOAG CITY – Arestado ang Rank No. 12 sa drug watchlist ng PDEA sa Ilocos Norte sa isinagawang drug buy-bust operation sa isang paaralan sa Barangay 14, San Nicolas, Ilocos Norte.

Nakilala ang subject ng operasyon na si Mr. Bernardo Rafada Jr., taga Barangay 7-B dito sa Lungsod ng Laoag.

Agad hinuli ng mga kasapi ng PNP-Laoag, PNP-San Nicolas at PDEU si Rafada matapos bentahan ang isang sachet na naglalaman umano ng shabu sa isang police poseur-buyer na nagkakahalaga ng P1,000.00

Maliban dito, nakakumpiska pa ang mga otoridad ng pitong sachet na naglalaman diumano ng shabu.

Sa interview ng Bombo Radyo Laoag kay Rafada, iginiit na hindi sa kanya ang mga nakuhang ebidensya at nagtungo lamang sa lugar para maningil.

-- Advertisement --

Subalit sinabi ni Police Chief Master Sergeant Harold Nicolas ng PDEU na natural lamang na ganito ang reaksyon ni Rafada dahil marami ang nakuha nila dito.