Hindi na umano bago sa PNP ang pagmamando sa mga security o quarantine checkpoints sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) maliban sa Metro Manila na ngayong lamang ito inilagay sa GCQ.
Sinabi ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, chief ng Joint Task Force COVID-Shield, tanging papayagan lamang pa rin sa labas ng kanilang bahay ay mga authorized persons gaya ng mga health workers, manggagawa sa mga pinapayagang kompanya at mag-aavail ng mga essential services o food supply.
Ayon kay Gen. Eleazar, magpapatuloy pa rin ang mga checkpoints pero modified na at magiging random na ang inspeksyon sa mga sasakyan.
Dadagdagan din daw nila ang mga mobile checkpoints na pangungunahan ng Highway Patrol Group (HPG) na magsasagawa ng “Oplan Habol, Oplan Sita” kung saan pwede silang mag-check ng mga sasakyan.