Binigyang diin ng Department of Justice na kanilang kikilalanin ang mga pahayag ni Orly Regala Guteza sa naganap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kamakailan.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, pwede naman ng gamitin ito sapagkat pinanumpaan na ni Guteza ang mga sinabi sa Senado.
Tatayo na aniya ito bilang opisyal na pahayag sa kabila ng mga isyung kinakaharap patungkol sa kanyang affidavit na umano’y may probelama sa pagkakanotaryo.
Kaya’t upang maseguro at mabigyan kalinawagan ang naturang salaysay, pakikilusin ng kalihim maging ang National Bureau of Investigation upang ipa-subpoena ang ‘notarial book’ ng abogado.
“Hindi, under oath yun. Pwede ng gamitin yun kasi ang ginawa niya ay pinasa niya lang yung affidavit na sinubmit sa Senado yung affidavit pero binasa niya under oath. So that already stands as a statement under oath in the senate records, it’s an official statement,” ani Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ng Department of Justice.
“Hindi kona ano yan, it’s a something that has to be asked. We can ask the NBI to investigate that. Isa-subpoena natin yung ano, ipapa-subpoena yung notarial book nung lawyer,” ani DOJ Sec. Remulla.
Kasunod ng hindi pagsipot ni Guteza sa nakatakda sanang ‘appointment’ kay Justice Secretary Remulla, sa kasalukuyan ay wala pa rin itong paramdam ayon sa kalihim.
Ngunit sa kabila naman nito’y tiniyak ni Sec. Remulla na kanilang hindi isasantabi ang mga isiniwalat ni Guteza, bagkus seryoso itong iimbestigahan.
Muli niyang iginiit na walang sisinuhin ang DOJ sa mga itinuturong sangkot umano sa flood control projects anomaly.
“Of course, of course. Hindi naman, kasi wala naman tayong sisinuhin dito. We have to work on it,” ani Justice Secretary Remulla.
Maalalang si Orly Guteza ang siyang nagdawit sa pangalan nina former House Speaker Martin Romualdez at resigned Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa kontrobersyal na flood control projects.