Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang kasunduan sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno para labanan ang illegal recruitment at human trafficking, lalo na para sa proteksyon ng mga OFW.
Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) ng DMW, DOLE, TESDA, OWWA, at lokal na pamahalaan ng Pampanga. Layon nitong paigtingin ang koordinasyon ng mga ahensya, suportahan ang mga biktima, at papanagutin ang mga sangkot sa krimen.
Ayon sa Punong Ehekutibo ang nasabing kasunduan, magpapatupad ang mga member agencies katuwang ang pamahalaang lokal ng Pampanga ng mga programa laban sa illegal recruitment at human trafficking.
Sa isang event sa Pampanga sinabi ni Pang. Marcos na sa bawat desisyon unahin ang kapakanan ng kapwa Pilipino.
Aniya ang mga opisyal ay magsilbing solusyon at hindi dagdag pahirap sa ating mga kababayan.
Muling pinasalamatan ng Pangulo ang sakripisyo ng mga OFW at tiniyak ang patuloy na suporta ng pamahalaan.