-- Advertisements --
Binigyang diin ni Atty. Harry Roque na may batayan para katigan ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag na itong isalang sa paglilitis.
Para sa panig ng dating presidente, hindi na kaya ng kapasidad nito na tumayo sa isang trial process dahil sa kalusugan.
Ayon kay Roque, may ilang personalidad sa mga nakalipas na pagkakataon ang nagsabing “unable to stand trial” na rin ang mga ito, bagay na pinagbigyan naman ng hukuman.
Nabatid na may ilang ikinokonsiderang rason sa ganitong argumento, kabilang na ang: psychiatric evaluation, physical incapacity at temporary o permanent incapacity.