-- Advertisements --

Nakuha ng Rain or Shine Elastopainters ang ikalawang panalo sa PBA Philippine Cup bubble sa kamay ng Terrafirma Dyip 91-82.

Bumida sa panalo si Rey Nambatac na mayroong 19 points habang tig-14 points sina Javee Mocon, Beau Belga at Gabe Norwood.

Nasayang naman ang nagawang 26 points at 10 rebounds ni CJ Perez para sa Terafirma.

Susunod na makakaharap ng Rain or Shine ang NorthPort sa Linggo habang makakaharap na Terrafirma ang San Miguel Beermen sa Lunes.