-- Advertisements --

Maituturing na matagumpay ang pagbabalik ng Manchester United sa Champions League matapos nilang talunin ang koponan ng Sabah mula Azerbaijan sa skor na 4-0.

Nakuha agad ng United ang 3-0 na lamang sa unang kalahati ng laro mula sa mga goal nina Matheus Cunha, Bruno Fernandes, at Benjamin Sesko.

Tinapos ni Lisandro Martinez ang laban sa ikalawang kalahati nang maipasok niya ang ikaapat at huling goal ng koponan.

Dahil sa malaking lamang, binigyan ng tsansa ni manager Michael Carrick na makapagpahinga ang ilang pangunahing manlalaro bilang paghahanda sa kanilang malaking laban ngayong Linggo.