-- Advertisements --
Kinumpirma ni Russian President Vladimir Putin na sila ang nasa likod ng pagbagsak ng Azerbaijani jetliner noong Disyembre na ikinasawi ng 38 katao.
Sinabi ng Russian President na nagpakawala ang kanilang air defenses para targetin ang Ukraine drone subalit ito ay sumabog malapit sa Azerbaijani Airlines plane.
Galing sa Baku, Azerbaijan at nakatakdang lumapag na ito sa Chechnya sa Russia noong Disyembre 25, 2024 ng mangyari ang insidente.
Isinagawa ni Putin ang pag-amin sa pulong niya kay Azerbaijan President Ilham Aliyev na ginanap sa Dushanbe, Tajikistan.
Tiniyak ni Putin na kaniyang paparusahan ang mga nasa likod ng pagpapabagsak ng eroplano at magbibigay din ito ng tulong sa mga biktima.