-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni Filipino gymnast Karl Eldrew Yulo sa 2026 FIG Artistic Gymnastics World Cup na ginanap sa Baku, Azerbaijan.
Ang 18-anyos na si Yulo ay nagkamit ng pampitong puwesto sa men’s horizontal bar matapos makakuha ng 13,033 points.
Habang nasa pang-anim na puwesto naman ang kaniyang nakuha sa Floor Exercise na mayroong 13,900 points.
Bigo naman ito sa floor exercise at horizontal bar events.
Si Eldrew ay nakakabatang kapatid ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo kung saan ito ang kaniyang unang kompetisyon sa senior level.
Susunod na pagsabak ng nakakabatang Yulo ay sa Antalya, Turkiye na magsisimula mula Marso 10 hanggang 12.
Target nito na makapag-qualify para sa 2028 Los Angeles Olympics kasama ang kapatid nito.
















