-- Advertisements --

Inamin ni Rabiya Mateo na siya ay na-diagnose ng depression noong 2025, matapos niyang ibahagi sa publiko ang kanyang mental health journey sa social media.

Sa isang Facebook post noong Biyernes, Enero 16, nagbukas ang dating beauty queen tungkol sa kanyang pinagdadaanan, kabilang ang ilang buwang gamutan at pansamantalang pag-alis ng bansa upang maprotektahan ang kanyang sarili mula sa mga posibleng emotional triggers.

“Mental Health Awareness. 2025, I was diagnosed with depression and anxious distress. I had my several rounds of medication. I left the country for 3 months so I won’t get triggered by people who have no idea what I’ve been going through,” ani Rabiya.

Kalakip ng kanyang post ang isang medical certificate mula sa kanyang doktor na nagkukumpirma ng kanyang diagnosis na Major Depressive Disorder with Anxious Distress noong 2025.

Ikinuwento rin ni Rabiya kung gaano kahirap ang kanyang pinagdaanan.

“Everyday was a struggle to survive. I almost deactivated everything and disappear to have a quiet and peaceful life. I fought hard and still fighting up until now,” dagdag niya.

Binalikan din ng aktres ang pagkamatay ni Emman Atienza at kung paano ito nakaapekto sa kanyang ama na si Kim Atienza at sa kanilang pamilya, karanasang aniya’y naging dahilan upang lalo siyang tumibay.

“When I saw what happen to Emman and saw how painful it was for Kuya Kim Atienza and his family, I made a promise to myself to never give up because I don’t want my Mama to experience the same thing,” post pa ng dating beauty queen.

Nagpaalala rin siya sa publiko tungkol sa bigat ng mga salitang binibitawan online, lalo na para sa mga taong may pinagdadaanang mental health struggles.

“You don’t know how little kindness mean to a depressed person like me and how your words can push me to do something else,” aniya.