-- Advertisements --

Hinimok ng Department of Health (DOH) nitong New Year’s Eve ang publiko na gawing regular ang meditation upang magkaroon ng mas kalma at stress-free na 2026.

Inirekomenda ng DOH ang simpleng hakbang na humanap ng tahimik na lugar, umupo nang komportable, mag-pokus sa paghinga ng dalawa hanggang limang minuto, at tapusin sa malalim na paghinga para damhin ang kapayapaan.

Ayon sa 2025 Mind Health Report, pito sa sampung Pilipino ay nakakaranas ng anxiety, stress, o depression, lalo sa mga edad 18–34, pangunahing dulot ng kakulangan sa pinansyal at kawalan ng katiyakan sa trabaho.

Samantala, ayon sa World Health Organization (WHO), isa sa pitong kabataan edad 10–19 ay may mental disorder, at suicide ang ikatlong pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga edad 15–29.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng DOH ang publiko na bigyang-pansin ang mental health at simulan ang taon sa pamamagitan ng simpleng pagmumuni-muni.