-- Advertisements --

limasawa

Mapayapa at matagumpay naidaraos ang quincentennial anniversary rites ng First Holy Mass sa Pilipinas na isinagawa sa Limasawa, Leyte, kahapon, March 31,2021.

Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, pinaigting ng PNP region 8 ang seguridad sa lugar para mapanatili ang peaceful and orderly culmination ng ika- 500th Year of Christianity celebration sa isla ng Limasawa.

Sinabi ni Sinas walang naitalang mga untoward incident habang isinagawa ang misa at isang maikling programa.

limasawa2

Ang concelebrated mass ay pinangunahan ni Most Rev Precioso D. Cantillas, SBD, DD, Bishop ng Maasin, Leyte.

limasawa3

Nasa 500 mga katao lamang ang pinayagan para dumako sa nasabing misa bilang tugon sa public health restrictions.

Highlight sa nasabing event ang isinagawang fluvial parade ng Santo Niño De Cebu sa Brgy. Magallanes, Limasawa.

Para matiyak na maayos at mapayapa ang nasabing aktibidad, ang PNP ay nagdeploy ng limang High Speed Tactical Watercraft .

Ginamit din ang nasabing water assets para ibiyahe ang nasa 339 na mga tropa na siyang magbibigay seguridad sa nasabing aktibidad.