Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang tropical storm na may international name na Nakri kaninang alas-12:40 ng tanghali ngayong Huwebes, Oktubre 9, 2025.
Tinawag ito bilang Quedan.
Base sa monitoring ng state weather bureau, may taglay itong maximum sustained winds na 75 kilometers per hour malapit sa sentro at may bugso ng hangin na aabot sa 90 km/h.
Patuloy na tatahakin ng Tropical Storm Quedan ang hilagang kanlurang direksiyon habang nasa loob ito ng PAR.
Posibleng lumabas din ito ng PAR mamayang gabi o madaling araw bukas, Oktubre 10
Tinatayang patuloy na lalakas ang masamang lagay ng panahon habang papalapit sa Ryukyu Islands.
Hindi naman nakikitang direktang makakaapekto ito sa lagay ng panahon at sa dagat sa bansa kayat walang inaasahang pagtatas ng tropical cyclone wind signal sa mga lugar sa bansa.