Inianunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na naisapinal na ang quarantine classifications sa iba’t ibang lugar sa bansa matapos ang takdang panahong ibinigay sa mga local government units (LGUs) para umapela.

Sinabi ni Sec. Roque, walang pagbabago sa naging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong umaga ng Martes.

Ayon kay Sec. Roque, simula Nobyembre 1 hanggang 30, sasailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, ang Batangas, ang Iloilo City, ang Bacolod City, ang Tacloban City, ang Iligan City at Lanao del Sur.

Ang iba’t ibang lugar pang Pilipinas na hindi nabanggit ay mapapasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).