-- Advertisements --

Inanunsyo ng QCPD Acting District Director P/Col. Randy Glenn Silvio na nagsasagawa ang Quezon City Police District ng apat na araw na Enhanced Monitoring of Police Overall Wellness (EMPOW) program mula December 2–5, 2025.

Ayon sa QCPD, 357 personnel na ang sumailalim sa iba’t ibang health at wellness assessments.

Ang programa ay nakatuon sa mga pulis na 40 taong gulang pataas na nakumpleto na ang kanilang Annual Physical Examination (APE) noong October 20–22, 2025, pati ang may health concerns at nangangailangan ng mas malalim na evaluation at medical management.

Layunin ng EMPOW na palakasin ang health awareness sa hanay ng pulisya, maagang matukoy ang posibleng sakit, at matiyak ang tuloy-tuloy na monitoring at follow-up sa may kondisyon sa kalusugan.