Tiniyak ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang kahandaan ngayong papalapit na UNDAS 2025.
Ayon kay Police Colonel Vicente Bumalay, nakapaglatag na sila ng kanilang security plan para sa kaligtasan ng publiko.
Nabatid na ipapakalat nito ang 1,546 na pulis sa mga pangunahing lugar na inaasahang dadagsain ng mga tao.
Kinabibilangan ito ng mga sementeryo, kolumbaryo, terminal ng bus, istasyon ng tren, pangunahing kalsada na matatagpuan sa lungsod ng Quezon.
Plano rin ng Quezon City Police District ang paglalagay ng mga police assistance desk sa pangunahing lugar sa lungsod.
Bukod dito ay gagamit rin ang QCPD ng ng aerial surveillance upang mapalawak ang kanilang monitoring.
Katuwang ng QCPD sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan ang Quezon City Transport and Traffic Management Department, na tutulong sa pagmamanage ng trapiko.