Hinimok ng pahalaan ng Quezon City ang mga residente nitong magsuot ng face mask matapos i-ulat ang “unhealthy” at “very unhealthy” na kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng lungsod.
Pinayuhan ang mga may sakit sa paghinga tulad ng hika na manatili na lamang sa loob ng bahay. Para sa mga kailangan lumabas, mariing inirerekomenda ang pagsusuot ng mask.
Patuloy na minomonitor ng lokal na pamahalaan ang Air Quality Index (AQI) at magbibigay ng regular na updates. Maaari ring makipag-ugnayan ang mga residente sa mga tanggapan ng lungsod para sa karagdagang impormasyon o tulong pangkalusugan.
Samantala, nagbigay ng advisory ang Montalban, Rizal kaugnay ng isang sunog sa landfill sa bayan, kung saan may mga residente nang inilikas at binigyan ng mga face mask.
Nagpapatuloy ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga ahensya upang tugunan ang sitwasyon at masiguro ang kaligtasan ng mga apektadong residente.