TIKETS
-- Advertisements --

Nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga siklista na magsuot ng helmet.

Ito ay matapos na masita siya na walang helmet habang nagbibisikleta.

Naganap ang pagkahuli sa alkalde sa isang biking event sa lungsod.

Dito ay agad na sinita siya ng Department of Public Order and Safety (DPOS) at ito ay pinagbayad na multa ng P300 bilang first offense.

Sinabi nito na pinahiram nito ang kaniyang helmet sa kapwa biker na lumahok sa Violence Against Women bike event.

-- Advertisement --

Pinuri naman ng alkalde ang DPOS dahil sa pagtupad ng kanilang mga trabaho.