Sinagip ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development ang ilang pamilya na namamalagi sa mga bangketa sa Quezon City.
Matapos na makumbinsi ang mga ito na sumama sa mga kinatawan ng ahensya, sila ay dinala sa temporary shelter na itinalaga nito.
Kabilang sa mga nasagip ay nasa 13 na pamilya katumbas ng 29 na miyembro kabilang na ang siyam (9) na indibidwal .
Ang hakbang na ito ng DSWD ay bahagi ng kanilang “Oplan Pag-Abot Program.”
Maliban sa paglilipat sa mga ito sa temporary shelter, bibigyan rin sila ng kanilang mga pangunahing pangangailangan at agarang tulong .
Kasama na rito ang ipagkakaloob na kabuhayan para hindi na sila bumalik muli sa lansangan.
Tiniyak naman ng ahensya na magpapatuloy ang ganitong mga programa para sa mga mahihirap na Pilipino.