-- Advertisements --

MANILA – Kasabay ng uniformed curfew na ipapatupad sa Metro Manila, inanunsyo ng Quezon City local government na simula bukas, March 15, suspendido na rin ang pagbebenta ng mga inuming alak.

“All retail sales of alcoholic beverages are suspended during the duration of the guidelines,” batay sa press release ng QC LGU.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, mahalagang ngayon pa lang ay maagapan na ang pagkalat ng COVID-19 para hindi na naman humantong sa nationwide lockdown ang sitwasyon.

“The drastic increase of cases is very alarming. We want to stop the transmission as early as now so that we no longer have to implement another nationwide lockdown,” pahayag ng alkalde.

Simula bukas hanggang March 31 magpapatupad ng curfew ang lungsod simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Naglabas na raw ng supplemental guidelines ang lungsod para sa mga hakbang at protocol sa bawat bahay, opisina, at iba pang establisyemento.

Kabilang na rito ang mandatoryong paggamit ng “Kyusi” digital contact tracing application at dalawang linggong liquor ban.

Inamin naman ng QC LGU na nagkaroon ng COVID-19 outbreak sa isang gym, kaya pansamantala ring ipasasara ang mga naturang establisyemento, pati na mga spa at internet cafe.

“Barangays are also advised that they may once again issue quarantine passes to their residents to limit movement. However, a barangay may not close down any establishment without the approval of the city government.”

Inatasan din ng lokal na pamahalaan ang mga returning overseas Filipinos na nanunuluyan sa mga establisyementong hawak ng gobyerno at pribadong sektor na mag-report sa Office of the City Administrator para sa documentation at monitoring.

“And for guidance on health, security, and logistics protocols.”

“All OFs are required to complete the mandatory quarantine period of at least 14 days regardless of the RT-PCR test result.”

Maaari raw mabasa ang kabuuhan ng bagong guidelines sa: www.quezoncity.gov.ph.

Aabot na sa 35,878 ang total ng COVID-19 cases sa QC. Pero 32,024 sa kanila ay gumaling na, habang 2,991 ang active cases pa.

Mayroon namang 863 na binawian ng buhay dahil sa sakit.