LAOAG CITY – Arestado ang isang Person With Disability (PWD) sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Pasiocan, Bacarra, Ilocos Norte.

Nakilala ito na si Enrique Balas y Mariano, 35-anyos, isang PWD at residente sa nasabi ring barangay.

Napag-alaman na si Balas ay isang drug surrenderee at nasa Drug watch list sa provincial level.

Nakumpiska ng mga otoridad mula kay Balas ang pitong sachet na naglalaman umano ng shabu at isang libong piso na nagamit sa operasyon.

Si Balas ay hindi nakakalakad dahil may problema sa kanyang paa.

Samantala, sinabi ni Barangay Kagawad Ramon Pascua sa Barangay Pasiocan sa bayan ng Bacarra na hindi sila nagkulang sa pagbibigay ng payo kay Balas.

Dagdag niya na wala silang namomonitor na illegal na aktibidad ni Balas kaya nagulat sila sa kanyang pagkaaresto.