Inihayag ni LTFRB chairman Martin Delgra na maliban sa prangkisa, kailangan ding kumuha ng special permit ang mga pampublikong sasakyan bago magkapagpasada sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).

Sinabi ni chairman Delgra, hindi papayagang makabiyahe at huhulihin ang mga walang special permit na bus, jeepney, taxi at TNVS.

Ayon pa kay Delgra, hinihikayat rin nila ang mga pasahero na isulat ang detalye ng sasakyang bus o taxi para mas madali ang contact-tracing sakaling may magpositibong makasabay sa biyahe.

Isinusulong din ng LTFRB ang “cashless transaction” at idadaan na ang booking ng taxi sa online o sa mga app.