-- Advertisements --
Kinontra ni Russian President Vladimir Putin ang panukala ng ilang mga bansa na maglagay ng mga puwersa nila sa Ukraine kapag naisakatuparan na ang ceasefire.
Sinabi ni Putin na ang sinumang sundalo na itatalaga sa Ukraine ay ituturing nilang lehitimong target lalo na kapag inilagay nila ito agad.
Reaksyon ito ni Putin sa pahayag ni French President Emmanuel Macron na pumayag ang 26 mga kaalyado ng Ukraine na maglagay ng mga sundalo para magbigay ng seguridad kapag naisakatuparan na ang ceasefire.
Magugunitang kinausap na ni US President Donald Trump sina Putin at Ukraine President Volodymyr Zelensky para isulong ang matagal na ceasefire.