-- Advertisements --

Naglunsad ng hot pursuit operations ang mga police commandos laban sa mga suspek na nasa likod sa roadside bombing sa Maguindanao na ikinasawi ng isang sundalo habang apat ang sugatan.


Ayon kay PNP Spokesperson Col. Ysmael Yu agad ipinag-utos ni PNP chief Gen. Camilo Cascolan ang pagtugis sa mga suspeks.

Idineploy ng PNP PROBAR ang kanilang mga tropa mula sa Police Provincial Headquarters, Maguindanao Police Provincial Office, 2nd Provincial Mobile Force Company, 404th Special Action Company at Light Armor Unit.

Patuloy ang isinasagawang post-blast investigation ng mga police investigators para matukoy kung anong klase o uri ng Improvised Explosive Device (IED) ang ginamit sa roadside bombing.

Naka-alerto ngayon ang PNP sa PRO-BAR hinggil sa insidente.

Kaisa ng AFP ang mga tropa ng PNP sa pagtugis sa mga suspeks.