-- Advertisements --

Pumalo na sa 35 ang bilang ng bangkay na narekober sa nasunog na MV June Aster.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na nadiskubre ang mga bangkay matapos na maapula ang sunog sa barko.

Dinala na sa pantalan ng Borac sa Coron, Palawan ang mga bankay lulan ng BRP Cape Engaño.

Bago ang pagkakarekober ay unang mayroong limang bangkay ang kumpirmadong nasawi at 43 naman ang nakaligtas.

Magugunitang nasunog ang barko nitong gabi ng Miyerkules, Setyembre 9 sa karagatang sakop ng Coron, Palawan.

Nagpapatuluoy ang ginagawang search and retrieval operations naman ng mga otoridad sa mga pasaherong naiulat na nawawala.