-- Advertisements --
Maaari pa ring kuwestiyunin ng depensa ang admissibility ng mga bank records ni Vice President Sara Duterte na inihaharap ng prosecution sa impeachment trial.
Ayon kay Atty. Michael Poa, bagama’t naipiprisinta na ang mga dokumento sa pamamagitan ng mga testigo, maaari pa ring maghain ng objections ang depensa sa formal offer of evidence.
Ipinaliwanag ni Poa na isasagawa ang formal offer matapos makumpleto ng prosecution ang paglalahad ng kanilang ebidensya.
Dito aniya maaaring kuwestiyunin ng depensa kung dapat bang tanggapin bilang ebidensya ng impeachment court ang mga bank records at iba pang dokumentong iniharap ng prosecution.
















