Mas naging mahigpit na ang mga otoridad na nagbabantay ng seguridad para nalalapit na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief Police Colonel Allen Rae Co, na nitong tanghali ng Setyembre 11 ay nakataas na ang full alert status sa Bangsamoro Region.
Magtatagal ang nasabing full alert status ng hanggang Setyembre 30.
Sa ilalim ng full alert status ay 100 percent ng mga kapulisan marapat na ang mga ito ay nasa lugar ng kanilang assignment.
Umaabot na sa 10,439 na mga kapulisan ang nakatalaga sa nasabing rehiyon.
Tuloy-tuloy din ang ginagawa nilang pagbabantay at pangangalap ng mga impormasyo sa anumang grupo na nais maghasik ng mga kaguluhan sa nasabing halalan.
Sa kasalukuyan ay mayroong 27 na lugar ang nasa ilalim ng red category kabilang ang 21 sa Lanao del Sur, tatlo sa Maguindanao del Sur at isa sa mga lugar ng Maguindanao del Norte, Basilan at sa mga Special Geographic Area.














