-- Advertisements --

Hindi magdadalawang isip ang pulisya na gumamit ng puwersa laban sa mga supporters at kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na lumabag sila sa mga panuntunan o magdulot ng kaguluhan sa gitna ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director M/Gen. Guillermo Eleazar, nakipag-ugnayan na sa kanila ang mga pro-administration at anti-administration rallyists para sa state event bukas, Hulyo 22.

Samantala, kung magkakaroon man aniya ng kaso ng pang-aabuso, tiyak na hindi ito magsisimula sa hanay ng pulisya.

Nitong araw ng Linggo, nagsagawa ng last minute inspection si Eleazar sa mga police personnel sa palibot ng Batasang Pambansa Complex at siniguro na nakalatag na ang security measures sa lugar.