-- Advertisements --
Sinabi ng House prosecution panel na hindi mapipigilan ng mga petisyon sa Supreme Court ang nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa Prosecution, maaaring magpatuloy ang paglilitis sa Senado habang hinihintay ang aksyon ng Supreme Court sa mga petisyong kumukuwestiyon sa ruling ng Senate impeachment court kaugnay ng voting threshold para sa conviction.
Iginiit ng mga mambabatas na hiwalay ang judicial proceedings sa impeachment process na isinasagawa ng senado bilang impeachment court.
Patuloy naman ang impeachment trial habang inaasahang haharap ang magkabilang panig sa mga susunod na hakbang sa paglilitis, kabilang ang presentasyon at pagsusuri sa mga ebidensya.
















