CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang isang pulis at patay ang suspek sa pamamaril sa Cotabato City.
Nakilala ang nasugatan na si Police Master Sergeant Salipudin Adil Pangawilan, nakatalaga sa Guindulungan Municipal Police Station (MPS) sa Guindulungan Maguindanao.
Patay naman ang isa sa mga suspek na nakilala na si Heder Sandigan.
Ayon sa ulat ng Cotabato City PNP na lulan si Pangawilan sa kanyang minamanehong Toyota Innova na may plakang ZCL-589 patungong town proper ngunit pagsapit nito sa kahabaan ng Sinsuat Avenue Esteros area Brgy Rosary Heights 9 ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Kahit sugatan ang pulis ay gumanti ito sa mga suspek gamit ang M16 Armalite rifle.
Tinamaan ang angkas na si Sandigan habang nakatakas ang di kinilalang driver ng motor.
Ang pulis at suspek ay kapwa naisugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay si Sandigan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamumuno ni Colonel Richard Fiesta sa pananambang kay PM/Sgt Pangawilan.