BACOLOD CITY – Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa pagpatay ng riding in tandem suspects sa isang pulis sa San Jose, Negros Oriental kagabi.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Bacolod, patungo sa San Jose Municipal Police Station ang biktima na kinilalang si Executive Master Sergeant Roldan Esmajer ng Barangay Tampi ng nasabing bayan nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek.

-- Advertisement --

Sakay ang pulis sa motorsiklo nang barilin ng mga suspek sa Barangay Tapon Norte B.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa balikat, tiyan at dibdib.

Dinala pa ang police officer sa Siliman University Medical Center ngunit binawian ng buhay.

Sa ngayon hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaril.