-- Advertisements --

Pinasisibak na sa serbisyo ng PNP International Affairs Service (IAS) ang pulis na bumaril at pumatay sa 52-anyos na ginang sa Fairview Quezon City noong May 31 na si Police M/Sgt. Hensie Zinampan.

zinampan

Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, kanila ng naisumite ang rekomendasyon sa tanggapan ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.

Sinabi ni Triambulo, malakas umano ang ebidensya laban kay Zinampan lalo pa’t kita sa video ang pagpatay nito at malakas din ang testimonya laban sa kanya ng mga saksi.

“Three pages ang IAS resolution kasi hindi naman nag contest ang respondent na pinatay niya ang victim. Nag-invoke lang siya ng mitigating circumstances para hindi dismissal ang hatol sa kaniya,” wika ni Triambulo.

Matatandaan na ipinag-utos ni Eleazar na pabilisin ang proseso nang pagsasampa ng kasong administratibo sa suspek upang kaagad itong matanggal sa serbisyo.

Bago nito, una nang kinasuhan na ng murder si Zinampan.

Samantala, kinumpirma na ni PNP chief na natanggap na ng kaniyang opisina ang resolution ng IAS sa kaso ni Zinampan.

“I have yet to read it as it was just received by my office. It has to undergo a thorough review because we need to ensure that all procedures were properly observed so we will not have any problems in case I approve his dismissal,” pahayag pa ni Eleazar.