-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi mapipigilan bagamat maging responsable lamang sana ang publiko pagkuha at pag-upload ng sensitive videos ng henious crimes katulad sa malagim na pagbaril patay ng police officer ng mag-ina sa Paniqui,Tarlac nitong linggo.

Ito ang paglilinaw ng Philippine National Police ukol sa unang napaulat na dismayahin ang netizens na kukuha ng mga larawan o videos na sensitibo para ipakalat sa social media katulad sa pagbaril ni Police Staff Sergeant Jonel Nuezca kina Sonya ,52 at Frank Anthony Gregorio,25 dahil malalim na alitan ukol sa usaping lupa at pagpaputok ng ‘boga.’

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 regional director Brig Gen Rolando Anduyan na sang-ayon umano ito ng mga pagkuha ng larawan o footages subalit dapat maging responsable.

Inihayag ni Anduyan makakatulong rin ang social media para sa kaalaman ng publiko subalit dapat maging maingat lamang angnetizens na walang sektor o personalidad na made-dehado lalo pa’t walang kontrol o regulasyon ang ipinasok na mga impormasyon sa socmed.

Una nang nabanggit ni PNP Chief General Debold Sinas na hindi maglagay lamang sa kanilang kasamahan ang pagkuha ng mga larawan ng isang sensitibo na pangyayari subalit agad itong kinontra ng Malakakanyang at iginiit na essential evidence ang mga katulad na material sa mga paglilitis ng kaso.