-- Advertisements --

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes na isang tao ang nasawi dahil sa indiscriminate firing ngayong holiday season

Ayon kay PNP Public Information Office Chief P/BGen. Randulf Tuaño, nangyari ang insidente bandang hatinggabi ng araw ng Pasko sa Tondo, Manila.

Napagalaman na lasing ang suspek nang magpaputok ito ng baril.

Kasalukuyan nang hinahanap ng mga awtoridad ang naturang suspek.

Bukod dito, naaresto rin ng PNP ang pitong indibidwal sa buong bansa kaugnay ng indiscriminate firing, kung saan apat dito ay mga pulis.