-- Advertisements --

Isasagawa ng pamilya Aquino ang public viewing para kay dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa Ateneo de Manila University (ADMU) mula 10:00 a.m at 10:00 pm sa darating na Biyernes Hunyo 25.

Sinabi ng nakakabatang kapatid ng dating pangulo na si Kris na matapos ma-cremate ang bangkay ng kapatid ay dinala ito sa kanilang bahay muna sa Time Street.

Itinakda sa Hunyo 26 ang libing sa Manila Memorial Park sa tabi ng kanilang magulang na sina dating Pangulong Corazon Aquino at Senator Benigno.

Humingi ng paumanhin ang mga kapatid ng dating pangulo na magiging limitado lamang ang galaw at pagtanggap nila ng mga bisita dahil sa patuloy pa rin ang pananalasa ng COVID-19.

Nagtapos kasi ang dating pangulo ng kaniyang elementary hanggang kolehiyo sa Ateneo.

Sa pahayag naman ng Ateneo na papayagan nila ang publiko na magtungo sa harap ng urn ng dating pangulo para magbigay galang at magpapatupad sila ng health and safety protocols gaya ng pagkuha ng temperatura.

Tanging mga kaanak at malapit ng kaibigan ang papayagang makaupo sa inilaang upuan sa lugar.

Magugunitang pumanaw ang dating pangulo nitong Huwebes sa Capitol Medical Center sa Quezon City dahil sa renal disease secondary to diabetes sa edad 61.